Search
Search
spacer
Search
Now Accepting
spacer
PayPal

Domingo G. Landicho


Biography

Premyadong manunulat, awtor ng mga 50 aklat ng tula, maikling kwento, nobela, dula, talambuhay, literaturang pambata at mga aklat sa pag-aaral si DOMINGO G. LANDICHO. Siya ay ginawaran ng honorary title ng Professor Emeritus ng malikhaing pagsulat at panitikan sa Kolehiyo ng Arte at Literatura sa Uniberidad ng Pilipinas sa kanyang pagreretiro noong Agosto 2004. Itinalaga siyang Writer-in-Residence ng De La Salle University sa taong 2010-2011. Siya’y naging pangulo ng 16th World Congress of Poets na nagdaos ng isang pandaigdigang kongreso ng mga makata sa Clark Field sa Angeles City, Pampanga noong 2000. Pinili siyang isa sa 2000 Outstanding Writers of the 20th Century ng International Biographical Centre, Cambridge, England para sa taong 2000. Tumanggap ng Artist Ambassador Award mula sa Artist Embassy International sa California, USA, noong 2000, Poet of the Millenium Award mula sa International Poets Academy, India, noong 2000 at S.E.A. Write noong 2003 sa Thailand. Nagtapos ng Ph.D. sa Pilipinolohiya sa U.P. at isa ring artista sa tanghalan, telebisyon at pelikula. Kasalukuyan siyang Faithful Navigator ng Knights of Columbus. Isinilang siya sa Luntal, Taal, Batangas noong 4 Agosto 1939, anak ng magsasaka.
spacer
List Price: 650.00
Ang Pag-ibig sa Mata ng Unos ay isang malikhaing nobela na nakabatay sa kasaysayan at malikhaing paggamit ng imahinasyon para ...
spacer
List Price: 750.00
Umiinog ang kabuuan ng nobela sa buhay ng isang bagong pamilyang Pilipino, ang makatang si Diego, ang kanyang kabiyak na ...